top of page

Learning Materials para sa mga Special Students, Sinisikap ng DepEd na Gawing Accessible


Photo from LCD Philippines Foundation.

Sisikapin ng Department of Education na ayusin at pasulungin ang mga learning materials para sa mga estudyanteng may special needs sa ilalim ng nabagong curriculum dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang ipinahayag ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Diosdado San Antonio.

Ayon din kay San Antonio, ang mga self-learning modules ay ginagawang reachable ng DepEd sa mga may kapansanan sa pandinig at paningin upang hindi sila mapag-iwanan sa sistema ng edukasyon sa bansa sa kabila ng kanilang mga sitwasyon.

Gayundin, tutulungan din ng DepEd ang mga magulang, kapamilya at ang mga indibidwal na maaaring sumuporta sa mga Special Education students upang mas maging epektibo at madali ang proseso ng kanilang pag-aaral at pagkatuto sa ilalim ng kasalukuyang dagok na kinakaharap ng bansa.

bottom of page