Lending Program ng DTI, Bubuksang Muli

Upang dumami pa ang mga small and micro enterprises na makatatanggap ng benepisyo, muling bubuksan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang application para sa lending program nito sa August 17.
Sa isang pahayag, sinabi ng DTI na bubuksan ulit ng Small Business (SB) Corp. ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) para sa application online, at ang mga naunang magsumite ng kanilang mga requirements ay nasa final stage na ng proseso.
Matatandaang tumigil ang SB Corp. sa kanilang mga operasyon nang sumipa patungong 3.5 billion ang mga loan request, kumpara sa inaasahang 1 billion lamang.
Samantala, siniguro naman ni DTI Secretary Ramon Lopez na mayroon nang nakatabing P1 billion para sa programang ito sa tulong ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.