top of page

LGBT Conversion Therapy Ads at Posts, Nakatakdang i-ban ng Facebook at Instagram


Ipinaabot ng mga social network giants na Facebook at Instagram ang kanilang pagkondena sa conversion therapy matapos ianunsyo na iba-ban nila ang anumang content na naghihikayat sa mga miyembro ng LGBT community na sumailalim sa pangungumberte.

Ayon sa Facebook, mas paiigtingin nila ang kanilang mga polisiya may kinalaman sa hate speech, yamang maituturing na offensive at discriminating ang mga posts at advertisements na naglalayong makumberte ang mga miyembro ng queer community.

Dagdag pa ni Tara Hopkins, public policy director for Europe, the Middle East and Africa ng Instagram, hindi nila pahihintulutan na gamitin ng iba ang platapormang ito upang isulong ang diskriminasyon dahil lamang sa sexual orientation kaya magpapatupad agad sila ng policies.

Samantala, ang conversion therapy ay isang pamamaraan kung saan pipilitin ng isang grupo ng mga tao o organisasyon ang queer people na maging heterosexual o 'straight', at ayon sa mga eksperto, mapanganib ito para sa physical, emotional at mental health ng isang tao.

bottom of page