• Estephany Rivera

LGBT Couples, Pwede na rin Magkaangkas sa Motorsiklo


Inihayag ni Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na pwede na rin magback-ride sa General Community Quarantine (GCQ) areas ang LGBT couples sa motorsiklo basta may patunay sila na sila ay nakatira sa iisang address.

Sinabi ni Eleazar na ayon umano sa binanggit ng IATF, ang panuntunan ay para sa mga kasal at live-in partners kaya naman kabilang din dito ang mga LGBTQI kung sila ay nakatura sa iisang bahay.

Dagdag pa ng PNP Chief Lt. General, kailangan lamang daw ay patunay na nakatira ang dalawa sa iisang lugar o iisang bahay para mapatunayang sila ay nagsasama tulad ng identification cards o certification mula sa barangay.

Siniguro naman ni Eleazar na tuloy-tuloy raw ang pag-aaral ng Technical Working Group ng IATF para lalong mapabuti ang sistemang ito.