• Radyo Pilipino News Team

LGU, Pinaglalabas ng Listahan ng DILG para sa mga Pamilyang Hindi Nakatanggap ng Ayuda

Inatasan ng Department of Interior and Local Government ang mga Local Government units o LGUs na hanapin ang mga pamilyang hindi pa kailanman nakatanggap ng ayuda o Social Amelioration Program (SAP) bago pumatak ang Mayo 21.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang mga "napag-iwanang" pamilya ay posibleng mga low-income families na kwalipikado sa Conditional Cash Transfer at kabilang sa 5 milyong di pa nakatatanggap ng SAP.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DWSD) higit-kumulang 5 milyong pamilya ang bilang ng mga ito.

Samantala, nakasaad naman sa inilabas Memorandum Circular ng ahensiya na ang mga barangay ang may pananagutan sa paglabas ng listahan at hindi sila dapat bumase sa panahon ng pananatili ng isang pamilya sa lugar o voter's registration ng mga miyembro nito.

Dagdag pa niya, kailangang isa-publiko ang listahan na ito upang malaman ng mga mamamayan kung sino ang mga kabilang sa ikalawang batch ng mga mabibigyan ng SAP.