• Estephany Rivera

Libreng Bridal Make-up Service sa COVID Frontliners, Alok ng Pangasinan Make-up Artist

Nag-alok ng libreng bridal make-up services si Pangasinan-based Make-up Artist Froilan Cortez, o kilala din bilang Lian Lang, para sa mga coronavirus frontliners na ikakasal ngayong taon.

Sinabi ni Froilan na ito ang kaniyang paraan upang maipakita ang kaniyang pasasalamat para sa mga sakripisyo ng mga makabagong bayani ngayong panahon ng krisis.

Ayon pa sa kaniya, gusto niya mapaganda ang mga frontliners sa kanilang importanteng araw.

Napuno naman agad ang sampung (10) slots na inilaan ni Cortez pagkatapos i-upload sa social media ang kaniyang anunsiyo.

Hinikayat din ni Cortez ang iba pang hair ang make-up artist na ganun din ang gawin.