Libreng COVID-19 Mass Testing sa Maynila, Tatanggap din ng Dayo

Kasabay ng pagbubukas ng bagong COVID-19 mass testing center sa Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, inanunsiyo din ni Manila Mayor Isko Moreno na ihahandog ng city government ang mass testing services nito sa mga hindi residente ng lungsod.
Ipinahayag ni Moreno na gusto raw niyang ipagmalaki ng mga ‘Batang Maynila’ ang pagiging matulungin at mabuting kapitbahay.
Binigyang-diin din ng Manila Mayor ang importansiya ng early detection ng coronavirus upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, at hahanap raw ng paraan ang Manila City local government unit (LGU) upang masustentuhan ang mass testing operation.
Sa kasalukuyan, mayroon ng dalwang mass testing centers ang lungsod— isa ay sa Ospital ng Sampaloc— na gumagamit ng COVID-19 serology testing machines mula sa Amerika.