• Estephany Rivera

Libreng COVID-19 Tests, Handog ng Rizal Province LGU sa mga Dialysis Patients


Contributed Photo.

Inihayag ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ang kanilang paghahandog ng libreng COVID-19 RT-PCR tests para sa mga Rizaleñong sumasailalim sa dialysis treatment.

Sa isang facebook post, inanunsiyo ng Rizal Provincial Government ang pagsisimula ng pamamahagi nila ng libreng COVID-19 tests sa mga dialysis patients noong Agosto 8.

Sinabi ng pamahalaan na kailangan lamang makipag-ugnayan ng mga pasyente sa dialysis center upang ma-ischedule ang kanilang libreng RT-PCR na ginaganap tuwing Sabado at Linggo sa Rizal Provincial Capitol.

Ayon kay Rizal Provincial Information Officer Anthony Mateo na layunin ng Rizal Provincial Government na masigurong sumailalim sa COVID-19 tests ang lahat ng dialysis patients sa probinsiya.