• Malou Manuel

Libreng Medical Services para sa mga Licensed Boxers at MMA Fighters, Ayon sa GAB


Magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng serbisyong medical sa lahat ng GAB-licensed boxers at MMA fighters hanggang Disyembre 31, 2020 o mas maaga depende sa bagong mapagkakasunduang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOH at GAB.

“Relative to the expiration of the DOH-GAB MOA on August 15, 2020 and upon the request of GAB due to the effects of COVID-19 pandemic to their professional careers, the 28 selected DOH hospitals, three (3) specialty hospitals, and other pertinent DOH offices as enumerated in A.O No. 2019-0006 are hereby directed to continue the provision of free services to boxing and mixed martial arts professionals based on the said issuance until December 31, 2020 or earlier should a new MOA comes into effect. Provision of services shall still be guided by the aforementioned issuance,” ayon sa inilabas na memo ni Duque.

Ikinalugod ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagtugon ng DOH, higit sa panahon na lugmok ang professional sports, kabilang ang komunidad ng boxing at MMA dahil sa pandemic.

“Malaking bagay ito para sa ating mga atleta. Nagsisimula pa lamang magbukas ang pro sports at ang pagbabalik ng mga promotion ay tapik sa balikat para sa kabuhayan ng ating mga boxers at MMA fighters. Dahil libre ang kanilang medical, masisiguro ng mga atleta na yung makukuha nilang premyo at mailalaan lamang nila para sa kabuhayan ng pamilya,” pahayag ni Mitra.

Ang libreng medical para sa boxers at MMA fighters ay prioridad na isinulong ng GAB bilang bahagi ng reporma sa programa ng ahensiya simula nang mailuklok si Mitra sa GAB ni Pangulong Duterte, katuwang sina Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad nitong 2016. Isang taon ang nakalipas, tinanghal na Commission of the Year ang GAB ng prestihiyoso at pinakamalaking boxing body sa mundo na World Boxing Council (WBC).

Ang naturang programa ay kinilala sa international boxing community at mismong si WBC president Mauricio Sulaiman, Jr. ang nagpalabas ng memorandum para gamitin ang GAB medical program bilang blueprint para sa mahigit 100 miyembro at affiliated boxing organization ng WBC.

“We don’t need another boxing and combat sports commission. GAB is enough, its pro-active program is a big lift to the boxing and MMA communities,” pahayag ni Aguilar, Pangulo ng Wrestling Federation of the Philippines (WFP) at Jiu-Jitsu Federation of the Philippines.