Libreng Online Seminar sa Orthography at Scrupulous Writing hatid ng KFW

Magbibigay ng libreng online seminar ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na pinamagatang “Ortograpiyang Pambansa (OP) at Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP)” para sa mga textbook editors at iba pang manunulat na gustong pagyamanin ang kaalaman patungkol sa ortograpiyang Filipino.
Paguusapan sa OP ang regulasyon sa pagbabaybay ng pantig ng salita habang ang MMP naman ay gabay sa wastong pagsusulat para sa mga editor, guro at mag-aaral.
Mayroong 12 modules ang OP kung saan tatalakayin ang alpabetong Filipino, diptonggo, wastong pagsalin ng wikang Ingles sa Filipino at tamang paggamit ng mga bantas.
Layunin ng KWF na hasain at palawakin pa ang galing at kasanayan sa wika ng mga manunulat sa bagong panuntunan ng pambansang ortograpiya.
Kasalukuyang tumatanggap ang KWF ng aplikasyon para sa mga may nais lumahok sa nasabing seminar.