top of page

Libreng Public Wi-Fi para sa Distance Learning ng mga Mag-aaral, Isinusulong!


Isinusulong ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Representative France Castro ang libreng Wi-Fi para sa mga pampublikong lugar upang magamit ng mga mag-aaral sa distance learning ngayong pasukan.

Ani Castro, dahil nalalapit na ang pasukan ng mga mag-aaral ngayong Oktubre ay itinutulak nito na maihabol pa ang libreng Wi-Fi para sa mga mag-aaral upang matugunan ang problema ng mga ito sa internet connection.

Nilinaw naman ng Department of Education na isa lamang sa kanilang ikonokonsiderang opsyon ang online learning ngunit mayroong parin namang ibang paraan upang matuto ang mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya gaya ng self-learning module na ipinamamahagi ng mga guro sa iba't ibang lugar, gayundin ang paggamit ng Radio at TV bilang learning method.

bottom of page