Libreng Sakay para sa Kababaihan at Senior Citizen Iinutos ni Pangulong Duterte sa PNP
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na magbigay ng free ride sa mga kababaihan, senior citizens, at lahat ng walang masakyan patungo sa kanilang destinasyon. Binigyang-diin ng pangulo na huwag mag-atubili ang kapulisan na gamitin ang government transportation vehicles sa paghahatid sa mga residenteng sa kanilang lugar na maaaring mangailangan ng masasakyan lalo na’t suspendido ang pampublikong transportasyon dahil sa quarantine na ipanapatupad sa buong bansa. Sinabi ng Pangulong Duterte na ihatid na lamang sa pinakamalapit na checkpoint ang taong inihahatid at ipaubaya ang natitirang biyahe sa ibang pulis kung malayo man ang destinasyon ng residente. Samantala, Ang limitadong pampublikong transportasyon ay maaari ng mag-operate sa mga lugar sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) sa ika-1 ng Mayo.
