top of page

Libreng Shuttle Service ng OVP, Balik Operasyon na sa Metro Manila


Photo from Facebook/VPLeniRobredoPH

Dahil sa pagbabalik ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang probinsiya, babalik din ang libreng shuttle service ng Office of the Vice President (OVP) para ihatid ang mga health frontliners sa kani-kanilang destinasyon sa Metro Manila.

Inanunsiyo ng OVP, sa isang facebook post, ito’y tugon sa inaasahang pangangailangan ng mga frontliners ng transportasyon sa loob ng two-week MECQ at suspensiyon ng public transportation.

Tatakbo ang free shuttle service sa walong ruta sa Maynila na titigil sa iba’t-ibang mga hospital at medical institution.

Ibinalik ni President Rodrigo Duterte sa MECQ ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan mula August 4-18 matapos idulog ng mga medical frontliners ang lumulobong bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

bottom of page