Libreng Swab Tests, Hatid ng Navotas City para sa mga Manggagawa


Photo from Navotas City PIO

Lahat ng mga mangagawang nagtratrabaho sa loob ng lungsod ng Navotas, residente man o hindi ay makakatanggap ng libreng coronavirus swab testing hatid ng local government upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at agad itong maagapan.

Hinihikayat ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang ilang kumpanya sa kanilang nasasakupan na isailalim sa libreng COVID-19 swab testing ang kanilang mga empleyado upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

Kayang tumanggap ng 1,000 katao kada araw ang naturang testing facilities ng lungsod habang nasa ilalim ng localized lockdown ang lungsod ng Navotas mula July 16 hanggang 29 matapos ang hindi inaasahang pagtaas ng kaso mula sa sakit.