• Tj Ovivir

Libreng Tablet Ipapamahagi ni Heart Evangelista sa mga Estudyanteng kapos para sa Online Classes


Photo from Instagram: @iamhearte

Sa panahon kung saan labis na kailangan ang malasakit sa kapwa, inanunsyo ni Heart Evangelista-Escudero sa isang Twitter post na handa siyang mamahagi ng digital tablets para sa mga estudyanteng walang kakayahan ngunit kailangang makibahagi sa mga online classes.

Sinabi niyang dapat na i-message siya sa kaniyang Instagram account na @iamhearte upang mas mapadali ang proseso ng pamamahagi.

Samantala, mapagpakumbaba naman niyang ipinahayag sa isang tweet ang paghingi niya ng pasensya dahil hindi niya matutulungan ang lahat, pero gagawin daw ni Heart ang kaniyang makakaya upang makapamahagi.

Matatandaang namamahagi si Heart ng donasyon at ng mga basic needs sa mga kapos at mahihirap sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account, magsimula nang magdeklara ng COVID-19 pandemic.