• Estephany Rivera

Licensure Exams sa Setyembre, Ipagpapaliban ng PRC


Idineklara ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagpapaliban ng September 2020 Licensure Examinations at ang pagrereschedule nito sa 2021.

Kabilang sa mga postponed PRC exams ang Licensure Examination para sa mga Foresters, Registered Electrical Engineers, Registered Master Electricians, Librarians, Respiratory Therapists, at Agricultural and Biosystems Engineers.

Sa official facebook post ng PRC, sinabi ng ahensiya na ang pagpapaliban ay para masiguro ang kaligtasan ng mga PRC examinees, Professional Regulatory Boards (PRBs), at examination personnel laban sa COVID-19.

Pinayuhan naman ng ahensiya ang mga examinees na i-check na lamang ang official website at social media ng PRC para sa karagdagang balita.