• Malou Manuel

Liga ng PBA Wala Muna ang mga Import


Sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association (PBA) hindi nawala ang mga imports na nagbibigay ng dagdag saya at excitement sa bawat laro ng liga lalo na sa mga pinoy fans.


Ngunit sa Kasalukuyan ay posibleng matatagalan pa bago muling makapaglaro ang mga imports sa PBA dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon kay PBA Kume Willie Marcial, kung payagan man sila ng Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na bumalik sa aksiyon ay itutuloy na lamang nila ang na­unsiyaming 45th season ng PBA, ang Philippine Cup.


Kung magsisimula muli ang liga sa susunod na taon o sa anumang oras bago matapos ang 2020, sinabi ng PBA chief na si Mr. Eric Castro, posibleng maging all-Filipino ito.


“Malabong magkaroon ng imports,” sabi ni kume Marcial, na nasanay ang mga PBA supporters sa paglaro ng mga mahuhusay na imports galing sa iba’t ibang dako ng America. Maliban na lamang kung magkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.


“Ang problema kasi may papayag bang imports na pumunta dito sa atin ngayon? At siyempre, takot din tayong tanggapin sila sa ngayon sa ating bansa. Ang tanong makikipaglaro rin ba mga ang players natin sa kanila?” sambit pa ni Kume Marcial.


Sa pagkabulilyaso ng PBA 45th season hindi magkakaroon ng pagkakataon si Chris McCullough para sa isa pang Commissioner’s Cup title para sa kampo ng San Miguel Beer habang kailangan pang maghintay ni Best Import Justin Brownlee para muling makapaglaro sa crowd favorite na Barangay Ginebra.