Limang Kagawaran sa Bansa, Nagkaisa para sa Tumpak na Price Monitoring sa Merkado

Upang masiguro na makatuwiran ang presyo ng bawat produkto, lalo na ng pagkain at gamot sa lokal na merkado, limang departamento sa bansa ang nagtulong-tulong para tutukan at bigyang-pansin ang local price coordinating council.
Ang mga kagawarang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay nagtakda ng isang memorandum circular na nagsasaad ng kapangyarihan ng local price coordinating councils at nagpapaigting sa pagpapatupad ng price act.
Ayon sa memo, ang mga ahensiyang ito ng gobyerno ay dapat na magconduct ng regular na inspeksiyon sa mga pampubliko at pribadong pamilihan, tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa price monitoring ng mga produkto, at magsubmit ng report may kaugnayn sa suggested retail price (SRP).