• Admin

Limang Taong Gulang na Bata sa US, Aksidenteng Nabaril at Napatay ang Kapatid

Aksidenteng nabaril at napatay ng isang 5 taong gulang na batang lalaki ang kanyang 12 taong gulang na kapatid matapos paglaruan ang isang abandonadong baril habang sila ay naglalaro sa kagubatan ng Griffin, Georgia, USA.

Ayon sa Griffin Police Department, inakala ng 5 taong gulang na bata na laruan lamang

ang nahanap na baril at pabirong binaril ang kanyang kapatid sa dibdib na siyang dahilan ng pagkamatay nito.

Pinaghihinalaaan naman ng pulisya na naiwan ang baril ng tatlong lalaki na kanilang hinuhuli ngunit nakatakas matapos tumakbo umano sa likod ng mga bahay malapit sa lugar ng aksidente.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng Griffin Police Criminal Investigation Division upang may hanap ang sala at sinabi ng departamento na haharap sa kaso ang sinumang nag-iwan ng baril.


3 views