Limitadong "Window Hours" sa mga Palengke, Groceries at Pharmacies, Pinatatanggal

Updated: Apr 24

Pagpunta sa mga palengke, groceries at pharmacies na may limitadong oras ay maaring mag-sanhi ng siksikan dahilan ng pagmamadali at hindi pagtupad sa social distancing.

Kaya naman, muling pinaalalahanan ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force (IATF) Karlo Nograles ang mga Local Government Units (LGUs) na sumunod sa direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanggalin ang "window hours" sa pamimili.

Aniya, mas mainam kung magkakaroon ng schedule o cluster ang bawat barangay upang maiwasan ang sabay-sabay na paglabas ng mga tao.


6 views