‘Limited Audience’, Posibleng Payagan sa Tokyo Olympics 2020

Ipinahayag ni Tokyo 2020 Chief Executive Toshiro Muto na maaaring limitadong bilang lamang ng mga audience ang papayagang manood sa Olympics sa July 23, 2021 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Muto, wala na raw balak ikansela o i-postpone pa ng organizers ang patimpalak at magfofocus raw ang mga ito sa event na gaganapin sa susunod na taon.
Sinang-ayunan naman ni International Olympic Committee Chief Thomas Bach si Muto at sinabing pwedeng payagan ang limitadong bilang ng audience upang masigurong nasusunod ang social distancing
Dagdag pa ni Bach na baka i-require ng organisasyon COVID-19 testing ng mga atleta at ng IOC bago makapasok sa Japan at sisiguraduhin naman ng Olympics committee na mayroong medical system na susuporta sa event.
Sinabi naman ng ilang medical experts na kailangan ang bakuna sa pandemiya bago isagawa ang event ngunit banat ni Muto na tuloy na ang Olympics may bakuna man o wala.