Limited Face-to-Face Classes sa MGCQ Areas, Pinayagan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagkakaroon ng limited face-to-face classes sa mga lugar sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ipinahayag ng pangulo ang pagsang-ayon niya sa panukala ni Education Secretary Leonor Briones na magkaroon ng limitadong face-to-face classes basta mahigpit na nasusundan ang safety health measure.
Sinabi ni Briones na limitado lamang sa sampu ang mga estudyante bawat classroom upang masigurong nasusunod ang social distancing.
Sa kaniyang presentation ng panukala sa pangulo, sinabi ni Briones na isa o dalawang beses lamang papasok ang mga estudyante sa isang linggo at ituturo lamang ang mga pinakaimportanteng leksyon na kinakailangan nilang malaman.
Aniya, importante raw ito na maipagpatuloy ang learning process ng mga bata habang nasisiguro pa rin ang kanilang kaligtasan.