• Tj Ovivir

Local Artists, Nagsagawa ng Fund Raising para sa UPD Jeepney Drivers


Upang matulungan sa pinansyal na paraan ang nasa 350 jeepney drivers ng University of the Philippines - Diliman, nagsagawa ng fund raising ang mga Pinoy artists na tinawag nilang “Para Para-an Paabot Naman”.

Inorganisa at pinangunahan nina Lena Cobangbang at MM Yu ang proyektong ito at mapupunta ang mga proceeds sa UP COVID-19 Response Volunteers para maiapamahagi sa mga beneficiaries.

Ang mga artwork na maaaring bilhin ay makikita sa Facebook page na kapangalan mismo ng proyekto.

Iba-iba at samu't sari ang mga tema at konsepto ng mga artwork na nasa programang ito, mula sa simpleng konsepto ng pag-aabot ng bayad sa loob ng jeepney, setting ng isang sari-sari store kung saan madalas tayong nagkukumpulan, hanggang sa mga kontrobersiyal na topic gaya ng sistema ng transportasyon sa bansa.