top of page

Local Farmers, Makatatanggap pa din ng Cash Aid mula sa Land Bank gamit ang P2.65B Gov't Budget


Dahil lubhang apektado ang kabuhayan ng mga magsasaka sa buong bansa dulot ng COVID-19 pandemic, tuloy pa rin ang pagtanggap ng mga ito ng cash-aid mula sa Land Bank of the Philippines gamit ang P2.65 billion fund ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Financial Subsidy to Rice Farmers ng Department of Agriculture, nasa mahigit 62,000 na local farmers na ang nakatatanggap nito as of July 1 sa pamamagitan ng kanilang mga bank account sa Land Bank, at nasa 468,000 naman na iba ang tumanggap din nito.

Ayon kay Land Bank President and Chief Executive Officer Cecilia Borromeo, prayoridad pa rin ng kagawarang pang-agrikultura ang kapakanan ng mga magsasaka at ng sector of agriculture, lalo na't malaking perwisyo ang naidulot ng COVID-19 sa industriyang ito.

bottom of page