Local Government Workers Sa Mandaue City, Makatatanggap Ng P200 Hazard Pay kada Araw


Nilagdaan ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes ang ordinansang magbibigay ng P200 hazard pay kada araw para sa employees, job order personnel, contractual workers at iba pang local government workers ng lungsod na kabilang sa tinaguriang frontliners ng bansa kontra COVID-19.

Ayon sa Public Information Office ng Mandaue, malaking tulong ito para sa mga empleyado ng city government ng Manduae na may mahalagang papel sa kabila ng pagsugpo ng bansa sa coronavirus disease 2019.

Samantala, umabot na sa mahigit isang libo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lugar ng Mandaue City.