top of page

Local Med Community, Hindi Kumpiyansa sa COVID-19 Vaccine ng Russia


Photo from Reuters.

Pinaalalahanan ng Filipino medical community ang gobyerno na ‘wag maging kampante at mag-ingat sa ‘Sputnik V’ COVID-19 vaccine na inilabas ng Russia.

Ayon kay Philippine Medical Association President Jose Santiago Jr., marami pa umano ang lingid sa kaalaman ng publiko tungkol sa bakuna, na binuo ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology ng Russia, tulad ng mga posibleng side effects nito sa tao.

Sinabi pa ni Santiago na kailangan munang pag-aralan ng mga eksperto ang clinical trials ng nasabing vaccine at kung sino ang mga test subject na ginamit ng institusyon.

Dinagdag pa ni Santiago na kailangan munang maghintay ng pamahalaan upang malaman ang mga maaaring side effects ng Sputnik bago ito isa-komersiyo.

Siniguro naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na mabibili na sa merkado ang bakuna bago matapos ang taon.

bottom of page