top of page

Los Angeles County, Mapapasailalim sa Stay-at-Home Policy Hanggang Agosto

Inanunsyo ng mga opisyal sa Los Angeles County sa Los Angeles, California na mananatili ang pagpapatupad nila ng stay-at-home order sa susunod na tatlong buwan, hanggang sa Agosto upang patuloy na masugpo ang COVID-19 pandemic.

Bagaman pinayagan ng magbukas sa LA County ang ilang mga establisyemento at beach, hindi pa rin mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 positive cases sa lugar.

Kaya naman, ipinahayag ni Public Health Director Doctor Barbara Ferrer na talagang ipatutupad ang three-month stay-at-home policy sa county hangga't walang malakihang pagbabago o pagbaba ng bilang nga mga kaso kaugnay sa COVID-19.



bottom of page