Lotto Games, Balik Operasyon na Ngayong August 4!

Matapos ang ilang buwang suspensiyon dahil sa mahigpit na implementasyon ng quarantine restrictions sa buong bansa ay ospiyal nang inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na muli nilang bubuksan ang Lotto games ngayong August 4 para lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng General community quarantine (GCQ) at Modified general community quarantine (MGCQ).
Sisiguraduhin naman ng PCSO na susunod ito sa health protocols ng pamahalaan sa ilalim ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask bilang proteksyon kontra COVID-19.
Simula ngayong July 20 magsasagawa ang PCSO ng “catch-up draws” para sa biniling lotto tickets ng mga bettors na naantala matapos ang naging suspensiyon noong March 17.
Pagkatapos ng catch-up draws ng ahensya, ipagpapatuloy na ang regular lotto operations.