• Estephany Rivera

LRT-2 Anonas, Katipunan, Santolan, Maaaring Magbukas sa Sityembre

Inanunsiyo ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera na maaari nang buksan muli ang tatlong Light Rail Transit (LRT) Line 2 station sa Anonas, Katipunan, at Santolan sa Pasig.


Gayunman, nilinaw ni Cabrera na ipagpapatuloy lamang ang operasyon ng mga istasyon kung makukumpleto na ang procurement process na makapagbabalik sa electricity ng mga LRT-2 stations na natigil dahil sa COVID.


Nasira at nasunog ang power rectifier sa pagitan ng Santolan at Katipunan stations noon lamang Oktubre na nagresulta sa limitadong operasyon ng LRT-2 sa Cubao at Recto stations.