LTFRB Naglabas ng GCQ Guidelines para sa mga Bus
Inilabas na ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga guidelines na dapat sundin sa muling pagbabalik operasyon ng mga public utility buses (PUBs) sakaling sumailalim na sa general community quarantine ang Metro Manila.
Nakapaloob sa inisyu noong Mayo 14 na Memorandum Circular 2020-18, ang transport regulator’s guidelines ang mga gagawing paghahanda sa sandaling malagay na ang buong Metro Manila sa ilalim ng GCQ.
Ilan sa direktiba ng ahensya sa panukalang ipatutupad ay ang 50% bus capacity na may one seat apart rule, pagsunod sa social distancing, mandatory na pagsusuot ng face masks ng mga commuters, conductors at drivers, thermal scanner na nakahanda bago papasukin ang mga sasakay para masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Samantala, para mas maging madali ang contact tracing sa mga posibleng magpositibong pasahero ay maglalaan ang LTFRB sa mga PUBs ng form na naglalaman ng pangalan at contact number.
