LTFRB, Pinayagan na ang Higit Kumulang Dalawang Libong Karagdagang Jeep na Pumasada sa Maynila

Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-arangkada ng karagdagang 1,159 na bilang ng pampublikong jeep sa mga lansangan ng Maynila kasabay nito ang pagbubukas ng 28 na ruta.
Ayon sa pahayag ng LTFRB, pormal nitong inanunsyo na papayagan na ang higit kumulang dalawang libong public utility jeepneys (PUJs) na pumasada sa 28 na rutang inilabas ng ahensya mula sa bisa ng Memorandum Circular 2020-046.
Bagama’t tinanggal na ng ahensya ang special permit ng mga PUJs para makapasada, kapalit naman nito ang QR code na maaring makuha ng mga rehistradong operator sa website ng LTFRB.
Kaugnay nito, nilinaw ng ahensya na kasalukuyang walang ipinatutupad na taas-pasahe maliban na lamang kung aprubhan na ito ng LTFRB.