top of page

LTO-7, Nagbukas ng Kauna-Unahang Drive-Thru Registration sa Visayas


Photo from LTO-7.

Binuksan ng Land Transportation Office (LTO) ang kauna-unahang drive-thru vehicle registration renewal sa Visayas region na nakapuwesto sa MVIC Complex sa bayan ng Subangdaku sa Mandue City.

Mayroon nang isang buwan ang operasyon ng drive-thru registration sa Mandaue City, nagsimula ito noong July 6 at nakapagbigay na ng serbisyo sa halos dalawang libong sasakyan sa naturang lungsod.

Ani LTO-7 regional director Victor Emmanuel Caindec, ang drive-thru registration sa kanilang lugar ay higit na kailangan sa panahon ngayon dahil sa banta coronavirus disease 2019 (COVID-19) at isa ito sa pinakamainam na hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang empleyado at maging ng mga tao.

Dagdag naman ni Caindec, wala pang isang oras ay maari nang makuha ng motorista ang kanyang certificate of registration na hindi na kakailanganin pang lumabas ng kani-kanilang mga sasakyan.

Nilinaw naman ng direktor na para lamang ito sa renewal ng rehistradong sasakyan at hindi para sa new vehicle registrations.

bottom of page