• Admin

LTO Magbibigay ng 2 Buwan Palugid sa mga Nag-expire na Driver’s License at Registration Documents

Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na walang babayarang penalty charge ang mga driver na nag-expire ang lisensya sa kalagitnaan ng Luzon-wide lockdown.

Sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante sa isang pahayag na ang mga lugar sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) or general community quarantine ang kabilang sa two-month extension

Nilinaw din ng ahensiya na kasali ang mga nag-expire na rehistro o registration documents sa dalawang-buwang palugid na kanilang ibibigay.

Samantala, binlaan naman ng LTO ang publiko tungkol sa mga fixers at sinabing ito ay illegal at hindi sila awtorisado ng ahensiya.



1 view