top of page

Lunas para sa Parkinson's Disease, Nadiskubre ng Isang Korean-American Scientist


Photo from mcleanhospital.org

Nagmistulang isang breakthrough moment para sa isang Korean-American scientist na si Kim Kwang-soo, ang kaniyang pagdiskubre sa isang makabago at epektibong treatment para sa Parkinson's disease, gamit ang pagrere-program sa sariling stem cells ng pasyente.

Inanunsyo ng Korea Advanced Institute of Science and Technology (KAIST) na ginamit ni Kim ang pamamaraang tinatawag na differentiation kung saan nagkaroon ng cell rebirth at inimplant ito sa utak ng pasyente.

Si Kim ay kasalukuyang professor sa Harvard Medical School at director ng Molecular Neurobiology Laboratory sa McLean Hospital kasama ng kaniyang medical team.

bottom of page