Lungsod ng Maynila Mamahagi ng Educational Tablets at Laptops bilang Paghahanda sa Online Classes

Mamamahagi ang Maynila ng tinatayang P994 milyong halaga ng tablets at laptops sa mga estudyante at guro bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan bilang alternatibong paraan ng pag-aaral sa kabila ng kasalukuyaang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno, sa naganap na pag-uusap nila ng Local School Board ng lungsod at Manila Public School Association (MPSTA) ay mamahagi ang city government ng Maynila ng mga kakailanganing gadgets ng mga estudyante ngayong pasukan.
Aabot ng 110,00 tablet devices na may kasamang SIM cards at 11,00 laptops na may kasamang pocket WIFI ang nakalaan para sa mga guro at estudyante. Ang bawat educational tablets ay mayroong 10 GB bandwidth kada buwan at 2 GB data allocation para sa YouTube.
Ayon sa Alkalde, mainam na handa at properly equipped ang mga mag-aaral at guro sa darating na pasukan.