top of page

Maasin Diocese, Kinilala ng Vatican bilang Unang Simbahan sa Buong Mundo na Naka-Solar Energy


Contributed Photo.

Kinilala ng Vatican City ang Diocese of Maasin sa Southern Leyte bilang kauna-unahang diyosesis sa mundo na gumagamit na pinapatakbo at pinapatakbo ng solar energy.

Gumagamit na ng renewable energy ang diocese matapos magkaroon ng wide-scale installation ng solar panels sa 42 parishes nito sa tulong ng next generation energy-tech business na WeGen noong 2018.

Sa 265-pahinang libro ‘Journeying Towards Care for our Common Home: Five Years After Laudato Sì’, kung saan nakatala ang ‘best practices’ ng iba’t-ibang bansa at organisasyon sa mundo at binigyang-pugay ang pangunguna ng Maasin Diocese sa simbahang Katolika sa paggamit ng renewable energy.

Kinilala din sa dokumento ang renewable energy advocacy ng Episcopal Commission on the Laity ng bansa at sa paghikayat ng organisasyon sa mga church institutions at communities na gumamit ng solar energy.

bottom of page