• Radyo Pilipino News Team

Mabilis na Serbisyo para sa Tarlac at Kalapit Lalawigan, hangad ni Cong. Charlie Cojuangco

Bagamat kilala ang kanilang pangalan, tahimik na kumikilos sa pagtulong si Tarlac 1st District Congressman Carlos "Charlie" O. Cojuangco para tugunan ang pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.


Nais ni Cong. Charlie na padaliin at mabilis na maibigay ang serbisyo sa kanyang mga kababayan kaya inilapit at nakipagtulungan siya sa iba't ibang ahensya na pwedeng makatulong sa Tarlac at kalapit lalawigan nito.


Naintindihan ni Rep. Cojuangco na pagdating sa kalusugan at emerhensiyang medikal, oras ay napakahalaga. Nagbigay and kanyang opisina ng ambulansya sa Enrique Henry M. Cojuangco Memorial District Hospital sa Moncada, Tarlac.
Ambulansyang bigay sa Enrique Henry M. Cojuangco Memorial District Hospital sa Moncada, Tarlac.
Para kay Rep. Cojuangco, ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilyang pilipino ay prayoridad. Namigay siya ng face masks, alcohol, and PPEs sa iba't ibang munisipalidad sa District 1 ng Tarlac.
Pamigay na face masks, alcohol, at PPEs sa iba't ibang munisipalidad sa District 1 ng Tarlac.
Sa pangunguna ni Rep. Cojuangco, nabigyan ng water pumps na pang-irigasyon ang mga farmer organizations ng distrito.
Nabigyan ng water pumps na pang-irigasyon ang mga farmer organizations ng distrito.