top of page

Mag-Asawa, Pwede na sa Motorsiklo


Inanunsiyo ni Department of Interior Government (DILG) Secretary Eduardo Año na papayagan na ang magkaangkas sa motorsiklo pero para lamang sa mga mag-asawa.

Ito’y pagkatapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF) ang panukala ni Bohol Gov. Arthur Yap na plastic barrier sa pagitan ng driver at ng pillion rider.

Ayon kay Año, ang isinumiteng design ng governor ay binubuo ng isang plastic na kurtina na nakadikit sa dalang frame na mas mataas sa ulo ng pillon rider ar handle kung saan ito pwedeng humawak.

Sa unang pahayag ng Interior secretary, papayagan din ang mga di kasal na magkasintahan na magkaangkas sa motorsiklo ngunit nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tanging ang mga mag-asawang mayroong marriage certificate ang pahihintulutan.

Sinabi din ni Roque na ang bagong panuntunan ay para lamang sa mga pribadong motorsiklo at hindi sakop ang ride-hailing companies.

Inihayag naman ni Sen. Bong Revilla, na isa ring motorcycle enthusiast, ang kaniyang agam-agam sa solusyon ni Yap at sinabing hindi ito ligtas dahil makakahadlang ito sa balanse ng behikulo.

Dagdag pa ni Revilla na hindi na kinakailangan ang barrier dahil magkasama naman sa iisang bahay at natutulog sa iisa kama ang mag-asawa.

bottom of page