• Estephany Rivera

‘Magic Mike’ Plania, Pinatumba ang Bantamweight Top Contender na si Greer


Nasungkit ni Pinoy Boxer Michael ‘Magic Mike’ Plania ang tagumpay laban kay World Boxing Organization (WBO) top bantamweight fighter Joshua Greer Jr. sa kanilang 10-round na laban sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas kaninang umaga (PH time).

Pinutol ni Plania ang 19-time winning streak ni Greer matapos manalo via majority decision (96-92, 97-91, 94-94).

Pinatumba din ng Pinoy boxer ang Amerikano nang dalawang beses sa kanilang una at ika-anim na round.

Ayon kay Plania, mukhang minaliit daw siya ni Greer sa kanilang laban.

Samantala, naniniwala naman ni Plania na ang panalo niya ang babago sa kaniyang buhay.