top of page

Magkasintahan sa Davao, Natagpuan ang Pag-Ibig ng Isa’t Isa sa Quarantine Facility


Photo from facebook.com/daphnejane.cabilao

Naging daan ang krisis na kasalukuyang kinakaharap ng bansa upang pagtagpuin ang dalawang puso nina Jiel Malda, 22 anyos at Marisol Miguel, 17 anyos na kapwa locally stranded individuals (LSIs) mula sa probinsya ng Davao Occidental.

Sa loob ng labing-apat na araw na pananatili sa Faustino K. Labiton Elementary School na isa sa mga ginawang quarantine facility ng Davao Occidental ay hindi inaasahan nina Jiel at Marisol na dito nila matatagpuan ang isa’t isa at hahantong sa hindi inaasahang pag-iibigan.

Nagkita ang magkasintahan noong June 17 matapos sumailalim ang lahat ng nakauwing LSIs sa quarantine facility ng kanilang probinsya bago makauwi ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng kanilang lugar mula sa nakahahawang sakit at bilang pagsunod sa health protocol ng gobyerno kontra COVID-19.

Hindi naman humadlang ang mga magulang at pamilya nina Jiel at Marisol sa kanilang hindi inaasahang pag-iibigan sa loob ng pasilidad, sa katunayan, hinihikayat na ang mga itong magpakasal kung sakaling sila’y handa na.

Maayos namang nakalabas ng isolation facility ang dalawa at wala namang naging sintomas mula sa sakit na coronavirus disease 2019.

bottom of page