Mahigit 300 na Educational Videos, Gagawin kada Buwan para sa Distance Learning ng mga Mag-aaral

Tinatayang aabot sa 352 educational videos ang kinakailangang gawin ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kada buwan para sa K to 12 broadcasting project ng Department of Education (DepEd) na may layong tugunan ang alternatibong solusyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kabila ng krisis ng kinakaharap ng bansa ngayong pasukan.
Ayon kay PCOO Undersecretary George Apacible, magsisilbing broadcasters at editors ang ilang mga guro sa paaralan bilang bahagi ng paggamit ng telebisyon na isa sa mga opsyon ng kagawaran sa distance learning ng mga estudyante.
Dagdag ni Apacible, nakahanda ang most essential learning competencies na magbigay (MELCs) ng kakailanganing educational videos kada buwan sa bawat paaralan ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Kaugnay nito, gagamitin ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC) 13, isang television network ng Government Communications Group sa ilalim ng PCOO, upang iere ang mga educational videos na proyekto ng kagawaran ng edukasyon para sa K-12 curriculum ng bansa.