Mahigit 6,000 Jeepneys, Balik Operasyon na sa Metro Manila

Matapos mabakante ng halos tatlong buwan, pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbalik pasada ang nasa 6,002 public utility jeepneys (PUJs) sa 49 ruta sa Metro Manila.
Sa inilabas na memorandum ni LTFRB Chair Martin Delgra, ang pagbabalik ng mga PUJs ay tutulong na mabigyan ng kita ang mga drayber at magsisilbing transportasyon sa mga commuter.
Ayon din sa memo, kinakailangang sumunod ng parehong operators at drivers sa health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng masks at gloves, temperature checks, regular na disinfection ng jeepneys, at pagsasakay ng 50% capacity lamang.
Inatasan din ang mga driver na mag-install ng barriers na maghihiwalay sa mga pasahero, maliban sa pagsunod sa Clean Air Act at road worthiness checks standards ng Land Transportation Office (LTO).