• Tj Ovivir

Mahigit 69,000 na Job Openings, Inanunsyo ng PEZA


Inilabas ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang nasa mahigit 69,000 na mga job opportunities mula sa iba't ibang economic zones nito sa buong bansa.

Isang job expo at online skills training platform ang nilabas ng PEZA na tinawag nitong Development Outreach for Labor, Livelihood, and Advancement of Resources (DOLLAR) na nag-anunsyo sa 69.081 job openings nito sa mga factory at IT zones sa Pilipinas.

Siniguro ni PEZA Director-General Charito B. Plaza na para sa lahat ng Pilipino na nasa working age ang mga trabahong ito, at hindi magiging basehan ang educational background sa pagpili ng mga aplikante.

Ang mga interesado sa mga trabahong ito ay maaaring tumingin ng vacancies sa portal mula sa Workbank Philippines Inc., na nasa official website ng PEZA. (https://www.workbank.com/dc/peza-online-job-fair)