Mahirap Noon, Sikat na PBA Player na Ngayon

Isang magandang ehemplo ang player ng San Miguel na si Arwind Santos mula sa Angeles Pampanga kung saan galling ito sa isang mahirap na pamilya.
Isang kahig isang tuka sina Arwind at kung hindi pa sila magtutulong magkakapatid para maghanap buhay ay hindi sila kakain. Naging hanap buhay ni Santos, ay ang pagiging pedicab driver sa Pampanga.
Maaga rin silang naulila ng kanilang ama. Nanay lamang nito ang bumubuhay sa kanilang magka kapatid at ang player ng Beerman ang katuwang ng ina sa pagtata- trabaho para may pangtustos sa pag aaral nila.
Ang pagiging matangkad ang naging puhunan ni Arwind upang matulungan siya ng dating Mayor ng Pampanga kung saan isinama siya sa training ng mga kabaataan na may potential sa paglalaro ng basketball.
Hanggng matuto ang Spiderman ng PBA at dinala siya sa FEU, nag tryout. Naging star player ng Tamaraw at sa NCAA na naging MVP ito.
Ang dating mahirap ay malayo na ang narating. Kasama siya sa, PBA ng 40 "greatest player". May sariling pamilya at anak narin si Arwind.
Tumutulong din siya sa kanyang mga kababayan. Nagbibigay ng mga, sapatos para magamit ng mga player na kapos tulad niya noon. Pinalalakas ang loob, nagbibigay ng advice upang marating ang kinalalagyan niya ngayon.
Ang mga achievements ni Arwind sa kanyang Basketball career, 9-Time PBA champion, 2-Time PBA Finals MVP, PBA Most Valuable player (2013), 2-Time PBA Best Player of the Conf., 11-Time PBA All Star, 2-Time PBA All Star Game MVP, 9-Time PBA Mythical First Team, 2-Time PBA Mythical Second Team, 2-Time PBA Defensive Player of the Year, 7-Time PBA All Defensive Team, PBA All rookies team (2007), PBA Order Merit (2009), PBA Blitz Game MVP (2009).