• Estephany Rivera

Mail-in Voting para sa mga Senior Citizens, Isinusulong sa Kamara


Isinusulong sa House of Representatives ang House Bill 7572 na payagan ang postal voting ng mga senior citizens para sa Halalan 2022.

Ayon kay bill author at Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo, ito raw ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga Senior habang tinataguyod ang kanilang karapatang bumoto.

Dagdag ng mambabatas, hindi na umano mahihirapan pang gumawa ng bagong Sistema ang Commision on Election (Comelec) dahil ginagamit na ang postal voting sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at bagkus ay aayusin na lamang ito upang maibatay sa pangangailangan ng mga senior.

Inahalintulad pa ni Quimbo ang panukala sa polisiya ng mga United Kingdom, Switzerland, at Australia kung saan isa sa mga pagpipilian ng mga botante ang mail-in voting.

Batay sa datos ng mga poll, 15% ng mga botante noong 2019 ay senior citizens.