top of page

Makati City, Hatid ang Libreng Bakuna para sa mga Frontliners



Hatid ng city government ng Makati ang libreng flu at pneumonia shots para mas palakasin pa ang immune system ng kanilang frontliners at iba pang essential workers na may mahalagang papel sa kinakaharap na krisis ng bansa sa kasalukuyan.

Nakatanggap ng flu shots ang tinatayang 5,130 na frontliners at essential workers mula sa lungsod at nakatakda naman itong bakunahan para sa pneumonia sa darating na Agosto.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, kabilang ang 9,706 na empleyado ng City hall para sa immunization program ngunit mas prayoridad ng Health Department ng City doctors, nurses at health personnel.

Magmula nang lumaganap ang pandemya at magpatupad ng quarantine restrictions ang bansa ay sinimulan na rin ng lungsod ang pamamahagi ng bitamina para sa mga manggagawang pumapasok sa kani-kanilang trabaho kahit noong nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine ang Makati.

Samantala, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng flu at pneumonia vaccines upang maiwasan ang mga komplikasyon sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

bottom of page