• Tj Ovivir

Makati City LGU, Mamamahagi ng Internet Load sa 85,000 Estudyante sa mga Pampublikong Paaralan


Contributed Photo.

Inanunsiyo ng local government unit (LGU) ng Makati City na mamimigay ang lunsod ng five-hour internet load kada-araw sa mga estudyante mula sa mga public shools, pre-school hanggang senior high school dahil sa ipatutupad na online classes ng Department of Education.

Sa pangunguna ni Mayor Abby Binay, makatatanggap din ang mga mag-aaral ng 'learner's package' at naglalaman ng flash drive na may mga educational folders, modules, dalawang reusable na face mask.

Bukod diyan, mamimigay din ang Makati City ng libreng school uniform, sapatos at school supplies bago magsimula ang darating na school year.