Makati Gov’t, Nangako ng Laptops sa 2,500 Public School Teachers

Ipinangako ni Makati City Mayor Abby Binay sa 2,500 public school teachers ng lungsod na makakakuha sila ng laptop para sa remote learning sa darating na pasukan.
Sinabi ni Binay na makakatanggap ng brand-new laptops ang lahat ng pampublikong guro mula sa elementary, junior high, at senior high school sa lungsod upang masigurong handa at well-equipped daw ang mga ito para sa digital lessons.
Dagdag pa ni Binay na matatapos ang pamimigay ng mga laptops sa Oktubre kasabay sa selebrasyon ng World Teacher’s Day.
Inanunsiyo din ni Binay noong Hunyo na magbabahagi ang Makati LGU ng libreng internet load at learner’s package sa nasa 85,000 na estudyante ng lungsod.
Iginiit ng Alkalde na wala dapat mapag-iiwanan at susuportahan nila ang parehong mag-aaral at guro.