Malacañang, Naghahanda sa mas Kakaibang SONA Ngayong Taon

Pinaghahandaan ng Malacañang ang kakaiba at hindi tipikal na daloy ng taunang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon bunsod ng kinakaharap na krisis ng bansa.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kaunti na lamang ang mga opisyales na papupuntahin, ilang miyembro na lamang ng Kongreso ang papayagan at wala na munang magagarbong suot o ang tinatawang niyang “fashion show” ng mga bisita sa gaganaping SONA ng Pangulo sa darating na Hulyo ngayong taon dahil limitado ang mga inaasahang dadalo.
Ani Roque, higit na kakaiba ito sa nakasanayang daloy ng programa kumpara noong mga nakaraang taon.
Gayunpaman, hindi pa kumpirmado ni Roque kung gaganapin ang SONA sa Batasan complex o posibleng mangyari na lamang ito sa pamamagitan ng video conference mula sa Malacañang sanhi ng mahigpit na restriksyon sa kalusugan at seguridad laban COVID-19.