top of page

Malacañang, Naniniwalang Makatutulong pa din ang Rapid Antibody Tests


Photo is for illustration purposes only.

Bagaman madami nang problema at isyu ang lumitaw sa pagsasawa ng rapid antibody tests, kumbinsido pa rin ang palasyo na magagamit ang mga ito para sa “initial screening”. Kumpara sa RT-PCR na mas accurate at nakakaalam kung SARS-CoV-2 ang nakuha ng indibidwal, ang mga rapid test kits ay nakaka-detect lamang ng mga antibodies sa katawan na maaaring makakontra sa coronavirus. Sinabi rin ni presidential spokesperson Harry Roqeue na hindi sapat ang RT-PCR test kits na mayroon ang pamahalaan upang gamitin sa mahigit 110 milyong mamamayan sa bansa. Samantala, ipinahayag ito ni Roque matapos ianunsyo ni Dr. Antonio Dans, spokesperson para sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na 50% sa mga resulta ng rapid tests ay mali at may depekto.

bottom of page